Sabi ni Christopher Columbus, bilog ang mundo. Sabi rin ng mga dalubhasa sa larangan ng siyensya, bilog ang mundo. Maging ang San Miguel Beer, nagsabi ito na bilog ang mundo sa isang lumang commercial. Ngunit, naiiba ako sa kanila. Sabi ko, ang liit ng mundo.
Sa mga oras na ito, may natuklasan ako. Nakakagulat pero sa aking palagay, totoo ito. Ngayon ko lang lubusang naisip na ang liit pala ng mundo. Lahat ng tao, may koneksyon sa isa't-isa. Marahil, tama nga sa bagay na ito si Urie Bronfenbrenner, ang gumawa ng Ecological Systems Theory. Sa mundong iniikutan natin habang tayo ay lumalaki, marami tayong nakikilalang mga bagong kaibigan. At dahil marami tayong nakikilalang mga bagong kaibigan, lumalaki rin ang mga konesksyon natin. Oo, tama nga! Ito ang dahilan kung bakit naisip ko ang bagay na ito--- na ang liit ng mundo. Ibig sabihin ba nito, may posibilidad na may koneksyon din tayo kina Gng. Cory Aquino o kay Presidente Gloria Arroyo? O kaya naman kina Josh Hartnett, Orlando Bloom, o kay Chad Michael Murray? Naku, kung nagkagayon, masaya ang buhay! =)
Natuwa at namangha lang ako sa aking natuklasan ngayon. Hindi ko kasi akalain na matagal na pala akong konektado sa taong ito. Salamat sa Friendster at pati na rin sa Yahoo Messenger. Ang liit pala talaga ng mundo.