Absent nanaman ako kanina. Ito ang pangalawang beses na absent ko sa school para sa ikalawang termino ng school year na ito. Maraming salamat sa lagnat, ubo, at sipon. Mahal niyo talaga ako.
Sinamahan ako ni Auntie Lucy sa doktor kanina upang magpagamot. Sabi sa akin ni Dra. Ninang, lagi raw ako nagkakasakit ngayon. Wala pang isang buwan ang nakakalipas noong huli akong pumunta sa kanya dahil sa allergies. At ngayon, bumalik nanaman ako dahil lagi akong nilalagnat at lumalala ang aking ubo at sipon. Napaos din pala ako.
Maraming ginawang tests sa akin. Una, "tourniquet" test. Kinuha muna ung blood pressure ko tapos ung band na nilalagay sa arms (hindi ko alam ung tawag doon.haha), nakalagay sa arms ko ng 5 minutes. Medyo masakit un. HAHA. Pagkatapos ng 5 minutes, tinanggal ni Kuya Jeremy (med-tech sa clinic) ung band tapos sabi niya "Positive". Kinabahan ako kasi nakakita ako ng mga small red spots. Pinakita ko kay Dra. Ninang ung small red spots. Pangalawa, pina-blood test niya ako para sure. Bonding time kami ni Ate Med-technician (hindi ko alam ang pangalan niya.bago lang kasi ata siya doon) HAHA. Tinanong niya kung saan ako nag-aaral, kung ilang taon na ako, kung umuuwi raw ako every week sa Laguna, and the like. Akala rin niya, iiyak ako kasi nakatingin ako dun sa pang-prick ng finger kaya sinabi niya na "Wala lang ito". Biniro ko pa siya. Malayo pa sa finger ko ung pang-prick, sabi ko "Waa!" tapos tinawanan ko siya. Hinantay namin ung result ng blood test at ako ay napa "yay!" sa tuwa. Buti nalang hindi Dengue. Kung nagkaganun, Dengue number 3 ko na. Ayoko na ma-confine sa hospital. Malungkot doon.
Acute Bronchitis ang sakit ko ngayon. Expect daw na magkakaroon pa ako ng high fever. Kailangan ko raw magpahinga ng more than 2 days kasi pinagod ko raw ang sarili ko. Humihina raw ang resistance ko kaya madali magkasakit. Uminom daw ako ng maraming tubig. Mga 2 Liters a day. Kasi, ayon daw sa result, mas malaki ang amount ng thrombocytes kaysa sa hemoglobin (kung hindi ako nagkakamali, red blood cells at white blood cells un) at may sinabi rin si Dra. Ninang about platelets.
Haay naku. Ang hirap magkasakit. Sana mawala na ito. Gusto ko na pumunta sa school. Ang dami ko namimiss na activities, exams, at group works. Nanghihinayang ako kasi hindi ako makakapag-microteaching sa St. La Salle Preschool bukas. Sorry sa mga groupmates ko sa bawat subject. Hindi na rin ako magpupuyat. I already learned my lesson. v(",)v
God bless everyone!