Friday, October 31, 2008

Mga Kasabihan mula kay Bob Ong

Ilang taon na rin ang nakalipas simula nang mabasa ko ang Stainless Longganisa ni Bob Ong. Hindi siya gumagamit ng mga malalalim na mga salita kaya madali lang intindihin ang mga nilalaman nito. Kahit simple lang ang mga salita, ang isang taong bumabasa nito ay maraming makukuhang aral. Makabuluhan din ang mga ito, kaya talagang mapapaisip kayo. Nakakaaliw!

Nais kong ibahagi sa inyo ang ilan sa mga kasabihan ni Bob Ong. Natuwa ako noong nabasa ko ito sa Multiply site ng aking kaibigan na si Mau. Kaya mga magiliw na bisita at readers ng aking blog, ito na ang mga kasabihan mula kay Bob Ong. Sana ay may mapulot din kayong aral mula sa mga ito. Enjoy!

1. "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka niya."
(oo nga, kaya wag ka na magparamdam. haha!)

2. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo ipagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sa iyo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
(sabi nga sa commercial, "there are many fish in the sea". hindi lang SIYA ang guy sa mundo.)

3. "Pag may mahal ka at ayaw sa' yo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."
(haay. haha.)

4. "Pag di ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na hindi mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang."
(okay, hindi na ako magrereklamo. haha.)

5. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text wantusawa eh may gusto sayo ay magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall, o paasa."
(oo, totoo ito. wag lagi mag-assume.)

6. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."
(oh no! enchong dee?)

7. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw ung bida sa script na pinili niya."
(tama ito. may tinamaan ata. OUCH! haha.)

8. "Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala."
(tama ulit. kaya wag mangopya o mangdaya lalo na sa exams. tsk.)

9. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay!"
(may sense. haha.)

10. "Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"
(so learn from your mistakes.)

11. "Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa'yo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."
(enough said. may point ka Bob Ong.)

12. "Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin."
(HAHA. HAHA. HAHA.)

13. "Ang tenga kapag pinagdikit, korteng puso. Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunong ka makinig, marunong ka magmahal."
(yes, this is true. kaya always listen.)

*Credits to Mau Bacierto for posting this in her Multiply site. v(",)v Happy Halloween! Goodnight! Thank you for visiting!*