Noong Biyernes, masayang-masaya ako dahil nakasama ko ulit ang aking mga pinsan. Sa pagkakataong ito, kami ay kumpleto. Bihira lang ito mangyari dahil sila ay nakatira sa iba't-ibang panig ng daigdig tulad ng Hong Kong, Canada, San Francisco, Los Angeles, at Florida. Ngunit, sa kasamaang palad, kaya sila nakauwi (kasama ang iba ko pang mga tiyo at tiya) rito sa Pilipinas ay dahil sa sumakabilang buhay na ang aking tiya na si Auntie Edy. Dahil dito, minsan, naiisip ko, kailangan pa bang may isang miyembro ng aming pamilya ang mawala upang kami ay maging kumpleto? Sa kabila ng lahat ng ito, nagawa pa naming kumain ng masasarap na pagkain tulad ng sisig sa Gerry's Grill sa Quezon City bago kami bumalik sa Mt. Carmel. Isa ito sa mga araw na hindi ko makakalimutan.
Kanina, inihatid na namin sa huling hantungan si Auntie Edy. Nakakalungkot isipin na wala na siya sa amin at hindi na makakapiling sa mga darating na taon at mahahalagang okasyon. Subalit, bigla kong napagtanto na nakakabuti na rin ito dahil kapiling na niya ang Maykapal. Alam ko na masaya na siya kung saan man siya naroroon, kasama ang mga anghel at ang iba pa naming mga mahal sa buhay na nauna na. At higit sa lahat, hindi na siya makakaranas ng anumang paghihirap na sanhi ng kanyang karamdaman.
Ngayon lang ako nakadama ng matinding pagkakalungkot lalo na nang bumalik papuntang Maynila ang aking mga pinsan. Kulang ang kalahating araw na magkakasama kami. Marami pa kaming mga dapat gawin upang mapunan ang mga panahong hindi namin kapiling ang isa't-isa. Maghihintay na nanaman muli ako ng ilang taon upang mangyari ulit ito. Pero sana, maging kumpleto kami dahil sa magagandang okasyon tulad ng Pasko at Bagong Taon at hindi sa paraang...ganito.
Hindi ko lang alam kung napansin niyo na ako ay nagsulat sa wikang Filipino. Kung alam niyo lang, naubusan ako ng wikang Ingles kanina habang kinakausap ko ang aking mga pinsan. Sige, tawa lang. Mas natawa ako nang nalaman ko na ang isa sa kanila ay mahusay palang magsalita at umintindi ng Filipino. Naku, nagpakahirap pa akong mag-isip ng mga sasabihin sa kanya. Sa totoo lang, na "nose-bleed" (siyempre, sarcastic at exaggerated ito...haha) ako habang nakikipag-usap sa kanila.
On a more serious note, Auntie Edy, we will miss you. We love you! God loves you!
*I'm going back to my business. School work, here I come. I hope I could finish my flash animation online task and the others by tomorrow. Wish me luck. By the way, Cente, I'm looking forward to watching another movie with you and your laptop. v(",)v*