Marami na ang nagsasabi at nakakapansin na kahiyang ko ang Maynila. Kung ang ibang mga kolehiyala ay namamayat dahil sa napakaraming gawain sa eskwela, hindi ito nangyayari sa akin. Oo, aaminin ko, masarap kumain at mahirap itong pigilan lalo na kung ang paboritong pagkain ang nasa hapag kainan. Dahil sa masarap akong kumain, eto, ako'y tumataba at karamihan sa aking mga damit ay hindi na nagkakasya. Minsan, naitanong ko na sa sarili ko, "Ganito na ba akong kataba?" Nababahala na rin ako dahil ayoko tumaba ng napakataba. Una, walang damit na maaring magkasya sa akin. Pangalawa, maaring magkasakit ako sa puso. Ayaw ko nun. Nag-iisip ako ng maraming paraan upang mamayat upang maisuot ko muli ang iba kong mga damit. Nais kong mamayat na hindi gumagastos ng napakalaki, o kaya hindi sa pag-inom ng mga diet pills dahil wala itong maidudulot na kabutihan sa katawan. Maaring bawasan ko ang pagkain ng kanin at mga pagkain na mayaman sa carbohydrates tulad ng pasta na aking paborito (baked macaroni, lasagna, carbonara, etc.) . Maari rin ang mag-ehersisyo. Ngunit, sa aking palagay, hindi pa sapat ang mga ito upang mamayat. May naisip akong paraan at nakuha ko ito sa aking blockmate-kaibigan: Hip Hop Abs ni Shaun T. Sa pamamagitan nito, it would be easier to burn fats and lose weight by dancing and having fun. Diba, walang side-effects? Haha. Kung may gusto pa kayong malaman tungkol sa hip hop abs, pwede kayong mag-research sa Yahoo or sa Google or pwede kayong pumunta sa site na ito: (http://www.beachbody.com/). Kaya sa darating na bakasyon, mag Hip Hop Abs na! Haha.=) In a more serious tone, dapat magkaroon tayo ng disiplina sa sarili upang mamayat, ok? Magandang Gabi sa inyong lahat! =)
***Parang pang-commercial ang dating sa blog...hahaha...***