Friday, December 14, 2007

Takbo! Takbo! Takbo!

Dumating na rin ang araw na pinakahihintay ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas. Ngayon ay ang araw ng pagtakbo ng mga kalalakihan na walang saplot sa kanilang katawan. Ito ay ang pinakasikat at walang kamatayang Oblation Run. Taon-taon ko nalang ito nababalitaan sa telebisyon, sa dyaryo, o sa radyo. Hindi ko alam kung bakit at paano ito nag-umpisa. Ngunit, sa aking palagay, ito ay may mahalagang simbolo, hindi lamang sa mga taga-UP kundi maging sa Pilipinas na rin. Dahil ako ay naiintriga sa kasaysayan ng Oblation Run, nais ko na magsaliksik tungkol dito. Subalit, hindi ko muna ito gagawin dahil sasamantalahin ko muna ang bakasyong ito. Gagawin ko muna ang mga bagay na hindi ko nagawa sa nakalipas na tatlong linggo dahil ako ay naging abala sa paggawa ng mga proyekto na binigay sa amin ng mga propesor. Tulad nga ng islogan ng Kit-Kat, "Have a break, have a Kit-Kat".
***

Hindi ko pa nararanasan ang manood ng isang tunay Oblation Run. Nakikita ko lamang ito sa telebisyon, sa isang bahagi ng mga balita. Ayon sa iba, ito ay masaya at makabuluhan. Hindi ko naman pinapangarap na mapanood ito ng "live" , dahil hindi pa ako handa na makakita ng mga kalalakihan na tumatakbo ng walang kahit ano sa kanilang katawan, kahit na ako'y nasa tamang edad na. Kung ang mga naliligo nga sa swimming pool na ang tanging suot lang ay trunks sa skul ay hindi ko matingnan ng tuwid, ito pa kayang mga tumatakbo sa kalye na walang suot na trunks? Hahaha.
***