Ilang araw na lang, college na ako. Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang. Hindi ko pa rin lubos maisip na maiiwanan ko ang aking pamilya dito sa Laguna upang tumira at mag-aral sa lungsod ng Maynila. Masayang malungkot. Masaya dahil natupad din ang aking pangarap na makapag-aral sa Maynila, sa La Salle, at makakasama ko muli ang iba kong mga kaibigan/kamag-aral...ngunit malungkot dahil hindi ko na makakasama ang aking pamilya. Pero, talagang ganyan ang buhay. Sabi nga sa akin nila Auntie, masasanay din ako. At hindi lang naman ako ang makakaranas ng ganito dahil pati ang aking mga makakasama ay ganoon din.
Kanina lamang ay tinitingnan ko ang mapa ng La Salle. Isang napakalaking unibersidad. Napakaraming mga gusali. Naisip ko tuloy, hindi kaya ako maligaw sa aking mga klase? Tapos, bigla ko rin na naisip, naku! kaya nga may orientation eh! hahaha...ikaw talaga!
Ganyan ako...may pagka-weirdo minsan. Hahaha.
Ngunit, kahit na ako ay masayang-malungkot, ako ay excited na rin sa darating na orientation at pasukan. May mga makikilala akong muli na mga taong may iba-iba't ugali, personalidad at maging kultura. Madaragdagan muli ang aking listahan. Sa bagay, masaya rin un.