"Nakakapanghinayang." Ito ang salitang aking nasambit sa aking sarili nang makita ko ang liham para sa akin mula sa Unibersidad ng Pilipinas. Ilang puntos na lang, pasado na ako. Talagang nakakapanghinayang. Isa sa mga pangarap ko ang makapasa sa UP dahil ito ay isang karangalan lalo na sa mag-aaral na katulad ko. Marami ang nabibigyan ng pagkakataon na makakuha ng pagsusulit doon, ngunit iilan lamang ang nakakapasa [roon]. At ako ay kabilang sa mga mapalad na hindi nakapasa sa nasabing unibersidad.
Ako ay muling nanghinayang nang makita ko ang resulta ng aking pagsusulit sa Filipino. Ako ay nakapasa. Mabuti naman at ako ay nagpapasalamat. Ngunit, dahil hindi ako naging maingat sa pagsasagot, ako ay nagkaroon ng limang mali. Kung ako ay naging maingat, mas mataas na marka sana ang aking nakuha. Kung binasa ko ng maigi ang mga nakasulat sa papel, hindi sana ako magkakamali. Sana, sana, sana. Lagi nalang sana.
Ang lahat ng ito ay nakalipas na. Hindi na maibabalik. Wala na akong magagawa. Ngunit, sayang pa rin.
Kaya ako ay nangako sa aking sarili, pagbubutihan ko na sa susunod. Magiging maingat na ako upang hindi na muli ako manghinayang.
Paalam at magandang gabi sa inyong lahat!